News and Events

Opisyal na Pahayag Tungkol sa Panunungkulan ng Multi-Sectoral Executive Council (MSEC)

Ang Multi-Sectoral Executive Council (MSEC) na tumatayong hunta direktiba ng NEECO 1 ay nagsimulang manungkulan noong 2001 sa bisa ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng NEECO 1 at National Electrification Administration kasama ang dating National Power Corporation, Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, Department of Interior and Local Government, at mga LGU ng Gapan, Jaen, Cabiao, San Isidro, at San Antonio.
Ang paglilingkod ng MSEC na kinabilangan ng mga pinuno ng local na pamahalaan (LGUs), mga kinatawan ng sektor ng relihiyon, enerhiya, business, edukasyon, at mga bangko ay hindi matatawaran sapagkat malaki ang naging tulong nito sa pag-agapay sa NEECO 1 na makaahon sa dating kategorya nito na E noong 2001 na naging AAA simula 2012 hanggang sa kasalukuyan.
Bilang policy-making body, ang MSEC ang naging epektibo at kapaki-pakinabang sa paggabay sa pamamalakad ng kooperatiba lalo na sa unti-unting pagbabayad ng mga utang nito na noon ay umabot sa halos PHP 200,000,000.00, pagpapababa sa system loss na ngayon ay tinatayang nasa average na 8.81% na lamang mula sa dating halos 30%, at pagkakaroon ng mababang halaga ng kuryente na halos nasa PHP 8.00 kada kilowatt-hour lamang bago ang pagtaas ng halaga ng coal sa pandaigdigang pamilihan.

Dahil nagiging mainit ang talakayan tungkol sa mataas na halaga ng kuryente bunsod ng mataas na generation charge dahil sa mahal na presyo ng coal, hindi naiiwasan na madamay ang MSEC at mabahiran ang magandang imahe nito ng mga malisyosong spekulasyon. Bagamat pinahahalagahan ng NEECO 1 ang kalayaan sa pamamahayag, mariin naman nitong kinokondena ang sadyang pagpapakalat ng maling balita.
Muli ay nananawagan ang pamunuan ng kooperatibang NEECO 1 para sa responsable at mapanuring paggamit ng social media para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon na makakatulong sa bawat isa upang malinawan ang pag-unawa sa mga napapanahong usapin tungkol sa ating kooperatiba.

Maraming salamat.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs