News and Events

Opisyal na Pahayag Tungkol sa Retirement Benefits ng mga General Manager ng Electric Cooperatives

Nais patungkulan ng pamunuan ng NEECO 1 ang kumakalat na Facebook post tungkol sa natanggap na retirement benefits ng dating Punong Tagapamahala nito.
Bilang paglilinaw, nais ipagbigay alam ng NEECO 1 na mayroong sinusunod na pamantayan ang lahat ng kooperatiba sa pagtutuos ng retirement benefits ng mga general managers base sa National Electrification Administration (NEA) Memorandum 2018-003 Revised Retirement Plan for General Managers of Electric Cooperatives (3rd Revision). Ang sipi ng pampublikong dokumentong ito ay makikita rin sa opisyal na website ng NEA na nea.gov.ph.
Nais ding bigyang linaw ng NEECO 1 na dumaan sa maayos na paraan sa bisa ng resolusyon ng Multi-Sectoral Executive Council (MSEC) ang retirement benefits na inaprubahan naman ng punong ahensiya ng mga electric cooperatives na National Electrification Administration (NEA).
Gayundin, aprubado ng NEA base sa pamantayan na itinakda nito para sa mga electric cooperatives ang tinatanggap na suweldo ng mga kawani ng NEECO 1 base sa bilang ng konsyumer nito, laki ng lugar na pinagseserbisyuhan, at kategorya. Ang retirement benefits naman ng mga kawani gaya ng sa ibang mga organisasyon ay base sa collective bargaining agreement (CBA) nito.

Para sa mga paglilinaw tungkol sa paksang ito, bukas ang punong tanggapan ng NEECO 1 sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija sa mga araw na Lunes hanggang Biyernes (maliban sa mga araw na holiday) magmula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Maraming salamat.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs