Alinsunod sa Proclamation No. 1743, ang NEAM ay ipinagdiriwang upang bigyang pugay ang mahalagang kontribusyon ng pag-iilaw sa kanayunan at ang kapaki-pakinabang na epekto nito sa komunidad.
Kasabay din ng isang buwang pagdiriwang na ito ang ika-53 na taon ng pagkakatatag ng National Electrification Administration na punong ahensiya ng mga kooperatibang pang-kuryente. Ang tema para sa taong ito ay "NEA at ECs: Magkatuwang sa Pag-unlad at Pagkakaisa Tungo sa Bagong Pag-Asa."
Ilan sa mga aktibidad na isasagawa sa selebrasyon ay Simultaneous Line Clearing, Tree Planting, at Lineworkers Appreciation Day.
#13thNEAM
#NEAat53