๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ฐ ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐:
โSadyang itinaas ng NEECO 1ang halaga ng kuryente upang lumaki rin ang kita nito.
โIpinapasa sa mga konsyumer ang konsumo ng kuryente ng mga empleyado nito o โdi kaya ang may diskwento ang mga ito.
โIpinasa sa mga konsyumer ang gastusin sa pagbili ng safety shoes at t-shirt ng mga linemen.
๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐:
โ๏ธPatuloy ang pagtaas ng presyo ng coal na naging dahilan upang muling tumaas ang generation charge na sinisingil sa NEECO 1 ng GNPower.
โผ๏ธ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐:โผ
๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐ข ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐ข๐๐ฆ๐๐๐ก๐:
Gaya ng dati nang naipaliwanag, generation charge ang dahilan ng pagtaas ng singil. Ito ay isang uri ng pass-on charge o sinisingil lamang ng NEECO 1 sa atin upang ibayad sa GNPower. Binabayaran natin ito ng buo at walang kinikita ang NEECO 1 rito.
๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐ข ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐ฆ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐๐ข๐ค๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ขโ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐:
Nagbabayad ang mga kawani ng NEECO 1 ng electric bills nito sa parehong halaga na binabayaran din ng mga konsyumer. Sa katunayan, direktang ikinakaltas mula sa payroll account ng mga manggagawa ang halaga ng nakonsumong kuryente kada buwan.
๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐ข ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐ฆ ๐ โ๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐ท๐๐ฆ:
Ang pagbibigay ng safety shoes at t-shirt sa mga linemen; bukod sa tungkulin ito ng pangasiwaan, ito ay simpleng paraan lamang ng pagbibigay ng pagpapahalaga sa sakripisyo ng mga linemen para sa araw na inilaan para sa kanila. Ang safety shoes ay bahagi ng kanilang personal protective equipment (PPE) sa pagtupad ng tungkulin at ang t-shirt naman ay dagdag na kanilang pamalit sa pang araw-araw. Ang ginastos para dito ay bahagi ng operating/general expenses ng NEECO 1 na lubhang maliit lamang at hindi kailanman magiging dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente dahil kagaya ng unang nabanggit, ito ay tumaas dahil sa pagtaas ng generation charge na apektado sa pagtaas ng halaga ng coal sa world market.
ย
ย
ย