Upang matugunan ang tanong ng karamihan, ang NEECO 1 sa pangunguna ng mga kawani ng Member Services Division ay patuloy ang pamamahagi ng impormasyon para mapanatili sa ating pamayanan ang totoong dahilan sa pagtaas ng halaga ng kuryente.
Dahil sa mga information meeting na isinasagawa kasama ang mga inorganisang miyembro ng Member-Consumer-Owners Organization sa bawat barangay, ay mas napapadali ang pagkalat ng impormasyon na ibinabahagi ng NEECO 1.
Sa mga litratong makikita, ang NEECO 1 ay nagdaos ng mga info-drive meetings ang NEECO 1 noong Agosto 4, 2022, para sa mga konsyumer ng Barangay Natividad North at Natividad South, Cabiao, Nueva Ecija.