Magbayad ng electric bill sa mga accredited ECPAY partners at TRUEMONEY outlets tulad ng mga online app na GCash, Paymaya, Shopee, Starpay, at Dragonpay. Pwede rin naman magbayad "over-the-counter" sa Seven Eleven, Cebuana Lhuillier, 7MM Pawnshop, at iba pang Truemoney outlets.
Tatanggapin lamang ang bayad sa mga accredited ECPAY Partners at Truemoney outlets kung isang buwang konsumo lang ang bayarin, at kung babayaran ang electric bill bago o sa mismong araw ng due date. Maaari rin magbayad dito sa araw ng mga Sabado, Linggo, o holidays.