Sa darating na Pebrero 8, 2024, siyam na araw mula ngayon, ay magsasagawa ng Salin-Dugo Bloodletting Activity ang kooperatiba katuwang ang Philippine National Red Cross na gaganapin sa NEECO I Multi-Purpose Hall, sa punong tanggapan nito sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija sa ganap na 7:00AM hanggang 4:00PM.
Ang bloodletting activity ay bukas para sa lahat ng mga member-consumers na nais magdonate ng kanilang dugo.
Para sa mga interesadong donors, kinakailangang:
1. Malusog ang pangangatawan
2. 17 taon-gulang pataas ang edad
3. May timbang na 110lbs o 50kg pataas
4. Dapat pasado sa pagsusuri ng mga nakatalagang tauhan ng Philippine National Red Cross
Mga alituntunin bago mag donate ng dugo;
1. Matulog ng sapat
2. Kumain ng masustansiyang pagkain
3. Iwasan ang matatabang pagkain na maaaring makaapekto sa pagcheck ng kalusugan
4. Uminom ng karagdagang 16 ounces ng tubig bago magpakuha ng dugo
𝘋𝘰𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘉𝘭𝘰𝘰𝘥, 𝘚𝘢𝘷𝘦 𝘓𝘪𝘷𝘦𝘴!