News and Events

Tingnan: Sitio Electrification Program (SEP) "Malaking tulong sa mga MCOs"

Nakipag-ugnayan ang NEECO 1 noong January 31, 2023, sa mga member-consumer-owners ng Sitio Tuazon ng Brgy. Luyos, San Antonio; Sitio Quemaligan ng Brgy. Sta. Rita, Cabiao; at Sitio Kapot at Sitio Dumanas ng Brgy. San Fernando Sur, Cabiao para matulungang mabigyan ng supply ng kuryente ang mga naninirahan na pamilya sa mga nabanggit na sitio bilang bahagi ng Sitio Electrification Program.

Ang Sitio Electrification Program ay mahalagang bahagi para sa Rural Electrification program dahil layunin nito na malinyahan at mapag-ilaw ang mga kanayunang nasasakupan ng serbisyo ng mga electric cooperatives.

 

Malaking tulong ito sa mga member-consumers-owners na naninirahan sa mga lugar na ito at nangangailangan ng suplay ng kuryente para sa pang araw-araw na kabuhayan.

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs