News and Events

Mahalagang Anunsyo | NEECO 1 Board of Directors Elections, Pansamantalang Naantala

 

Ipinapabatid sa mga miyembro-konsyumer at kamay-ari na base sa direktiba ng National Electrification Administration (NEA), pansamantalang ipagpapaliban ang pagdaraos ng Board of Directors Election na magsisimula sa siyudad ng Gapan sa Pebrero 4, 2023. Kabilang din dito ang mga susunod na petsa para sa ibang mga distrito na nauna nang naipahayag.
Bilang pagtalima sa kautusan, kasalakuyan nang ipinapalaganap ang mahalagang impormasyon sa mga katuwang na grupo ng NEECO 1 para sa mithiing ito gaya ng Local Government Units, mga miyembro ng District Election Committee (DECOM), at Precinct Election Committee (PECOM).
 
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NEECO 1 sa NEA upang matiyak na maidaos at maitaguyod ang darating na halalan nang nasa ayos at naaayon sa pinakamabuting interes ng mga miyembro-konsyumer at kamay-ari.
Maraming salamat.
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs