News and Events

Opisyal Na Pahayag: Hinggil sa Kumakalat na Social media Post Tungkol sa Konsumo na Umabot sa Php 512,094.00

Hinggil sa kumakalat na social media post tungkol sa isang member-consumer-owner na nagtala ng konsumo na umabot sa PHP 512,094.00, napag-alaman base sa pagsusuri, ang metro ng
apektadong member-consumer-owner ay sira o “defective.”

Minabuti rin na puntahan ng mga kawani ng NEECO 1 ang nasabing member-consumer-owner upang maipaliwanag nang maayos ang nangyaring insindente. Bilang aksyon, itatama o gagawan ng “correction” ang naitalang konsumo at papalitan ang sirang metro nito nang libre. Inaako ng pamunuan ng NEECO 1 ang pagkakamaling ito at nangangakong mas paiigtingin ang pagpapaalala sa mga kawani nito na maging mas maingat sa pagtupad sa tungkulin upang maiwasan ang naturang insidente.

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs