News and Events

PAUNAWA: Patungkol sa Napabalitang Paghingi ng Bayad sa mga Member- Consumer- Owners

Idinidiin ng pamunuan na anumang transakyon tulad ng solicitation, o paghihingi ng bayad sa mga consumers para unahing ayusin at mapag-ilaw ang isang lugar ay hindi pinapayagan ng NEECO 1 lalo na pagdating sa mga kawani nito.

Para naman sa mga pribadong indibiwal na nag-aalok ng bayad, ipinapaalam po namin sa lahat na ito ay labag sa aming alituntunin dahil ito ay may kaakibat na kapahamakan, at banta sa kaligtasan ng isang consumer.

Nais lamang ipaintindi ng NEECO 1 na bawat lineman natin, kasama ang NEA-EC Taskforce Kapatid, ay may kani-kaniyang assignments sa mga lugar na wala pa rin kuryente. Tiyak po ang pangasiwaan na hindi sila nanghihingi ng kapalit na halaga para pag-ilawin ang inyong mga tahanan, at wala rin pong direktiba ang pangasiwaan para sa bagay na iyan.

Kung sa pagkakataong may ganitong pangyayari ay mahalaga pong maging mapanuri tayo; alamin ang pangalan, kuhanan ng litrato, at direkta pong ipagbigay-alam sa pangasiwaan upang aming matugunan.

Makakaasa ang lahat na tuloy ang paggawa ng NEECO 1, sa tulong ng EC Task Force Kapatid, upang mapabilis ang pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente gawa ng super typhoon Karding.

Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan.

𝐍𝐄𝐄𝐂𝐎 𝟏 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐈𝐍𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍:
Phone numbers: 486-0201 (Landline)
09338271010 (Smart/ Sun Cellular
09175500397 (Globe/TM)
Email address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Official Facebook Page: @neeco1official

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs