News and Events

Paunawa Hinggil Sa Pagtaas Ng Presyo Ng Kuryente Na Sisingilin Sa Mayo 2021

Nais ipaalam ng NEECO 1 sa lahat ng member-consumer-owners na ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng kuryente sa na sisigilin sa Mayo 2021 ay dulot ng pagtaas ng AVERAGE PRICE ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) mula sa presyo na Php 3.02 hanggang umabot sa Php 6.61 kada kWh.

Ang presyo ng kuryente sa WESM o "Merkado ng Kuryente" ang nagbabago dahil sa mga sumusunod:


1. Nakadepende sa "law of supply and demand." Noong buwan ng Abril, tumaas ang pangangailangan sa paggamit ng kuryente dahil sa init ng panahon (Summer season). Samantala, nasabay dito na marami ring mga mga power generators ang nag-shutdown dahil sa HINDI INAASAHANG PAGKASIRA sa kanilang mga planta.


2. Nakadepende sa "price offer" ng power generators na sumasali sa "merkado ng kuryente" ang paggalaw ng presyo. Kapag mataas ang demand ng kuryente, maraming power generators ang sumasali. Nakadepende rin ito sa presyo ng WESM na siyang binibigay ng power generators.


3. Ang ating nakomsumong kuryente noong buwan ng Abril ang siyang sisingilin ngayong buwan ng Mayo, 2021.


PAGLILINAW SA PAGTAAS NG BAYARIN SA KURYENTE:


Ang inaakala ng ilan: Ang NEECO 1 ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng kuryente.
Ang totoo: Ang pagtaas sa presyo ng kuryente ay hindi kontrolado ng NEECO 1. Ang pagkwenta sa presyo ng kuryente ay nakadepende sa pamamaraan at regulasyon na ipinapatupad ng Energy Regulatory Commission (ERC) na gumagamit ng Uniform Reportorial Requirement (URR) bawat buwan.


Sa pamamaraang ito, ipinapakita ang tamang pagkwenta sa presyo ng kuryente alinsunod sa ERC Rules and Regulations.
Ang pagtaas ng presyo ng kuryente para sa bayarin ngayong buwan ng Mayo 2021 ay bunso ngtataas ng WESM charge na una nang nabanggit.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs