MGA POSIBLENG DAHILAN NG PAGTAAS NG KONSUMO NG KURYENTE TUWING TAG-INIT:
- Dahil summer na, napaka-init ng panahon, tumataas ang ating konsumo kumpara sa mga nakalipas ng buwan. Isa sa sanhi ng pagtaas ng kuryente ang temperatura ngayong tag-init.
- Kung babalikan natin ang nakaraang datos, makikita na tuwing buwan ng Abril, Mayo at Hunyo ay mataas ang konsumo dahil sa panahon at temperatura.
- Dagdag na rin ang kadahilanan na ang ilan ay kinakailangang mag "stay-at-home" o mag "quarantine" bilang pagtupad sa mga alituntunin ng LGU at IATF bilang pag-iingat sa lalong pagkalat ng sakit na COVID-19.
- Kung dati ay walong ( 8 ) oras lamang ang gamit ng isang Electric Fan, ngayon ay nagagamit ito ng halos maghapon at magdamag.
- Ang Air Conditioner (AirCon) na dati ay ilang minuto lang malamig na, ngayon ay matagal bago lumamig dahil apektado ito sa init ng panahon na nagiging sanhi rin ng matagal na oras ng paggamit nito.
- Dahil mainit, napapadalas ang pag-inom ng malamig na tubig kaya nadadalas din ang pagbukas-sara ng mga Refrigerator.
- Madalas na panonood ng TV at pagcha-charge ng mga mobile phones na panlaban sa inip at pampalipas oras sa panahon ng ECQ.