News and Events

NEECO 1 UPDATES

Habang abala ang mga lineworkers ng NEECO 1 magdamag sa pagsasaaayos ng mga linya ng kuryente na nasira dala ng hagupit ng bagyong #UlyssesPH, puspusan naman ang paglilinis ng mga kawaning nakatalaga sa punong tanggapan ng NEECO 1 sa Malapit, San Isidro sa paglilinis at pagsasaaayos ng mga pinsala na iniwan ng bagyo. Ito ay matapos na masuspinde ng isa at kalahating araw ang operasyon ng NEECO 1 bilang paghahanda sa bagyo at para na din sa kaligtasan ng mga manggagawa.

PAANYAYA PARA SA LAHAT NG KONSYUMER:
 
Para sa pagdiriwang ng ika-47 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng NEECO 1, iniimbitahan ang lahat ng konsyumer sa kauna-unahang pagdadaos ng SONA o State of NEECO 1 Address dito sa NEECO 1 Official Facebook Page sa Nobyembre 24, 2020 sa ganap na 1:00 ng hapon.
 
Ang SONA ay upang maipaalam sa mga minamahal na konsyumer ang estado ng pamamalakad, programa, at mga pagawain ng NEECO 1. Bilang pasasalamat sa patuloy na pakikiisa sa panahon ng pandemya, magsasagawa ng VIRTUAL RAFFLE kung saan maaaring maging isa sa manalo ng mga sumusunod:
 
  • 1st Prize - 1 brand new unit ng tricycle
  • 2nd Prize - 2 laptop computer
  • 3rd Prize - 3 LED television (32 “)

Typhoon #UlyssesPH

Narito po ang ilan sa mga larawang nagpapakita ng laki ng pinsalang iniwan ng bagyong #UlyssesPH sa franchise area ng NEECO 1.
Maraming electric poles ang nagupo at mga linya ng kuryente na nalagot. Ang sitwasyong ito ay pare-parehong naitala sa siyudad ng Gapan, mga bayan ng Jaen, San Antonio, San Isidro, at Cabiao.
Ang atin pong mga barangay na pinaglilingkuran ay umaabot sa 96 kasama ang Brgy, Batitang, Zaragoza at Brgy, Tagulod, Candaba, Pampanga.
Sa laki ng ating pagawain, hindi po kakayanin na mapag-ilaw nang sabay-sabay ang 96 na barangay kung kaya't nauna po ang mga nasa backbone lines ng NEECO 1. Makakaasa naman po kayo na patuloy ang ating pagsasaayos.
 

PAUNAWA PARA SA MGA KONSYUMER NG NEECO 1 TUNGKOL SA BAGONG PATAKARAN SA PUTULAN ALINSUNOD SA ANUNSIYO NG ENERGY REGULATORY COMMISSION
 
Ang Nueva Ecija 1 Electric Cooperative, Inc. (NEECO 1) ay hindi muna magpapatupad ng pagpuputol ng serbisyo ng kuryente para sa mga hindi mababayarang konsumo na hindi tataas sa 60 kWh kada buwan base sa inaprubahang lifeline consumption level ng ERC.
Ang sakop ng patakarang ito ay ang mga singilin para sa nakonsumong kuryente (billing periods) na nakapaloob sa panahon nang maipatupad ang pagpapalawig ng BAYANIHAN TO RECOVER AS ONE ACT. Pasok dito ang mga billing periods simula SETYEMBRE 14, 2020 hanggang DISYEMBRE 31, 2020.
Para sa NEECO 1, ito ang mga billing periods ng Agosto, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre na siningil o sisingilin mula Setyembre hanggang Disyembre ng taong ito. Datapwat, ang mga bayarin na mas mataas sa 60kWh kada buwan ay hindi masasaklawan ng patakarang ito.
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs