News and Events

NEECO 1’s Pantawid Liwanag Program

Kaisa ang 120 electric cooperatives sa buong bansa sa pangunguna ng PHILRECA, ilulunsad ng NEECO 1 ang “Pantawid Liwanag Program” na magbibigay ng ayuda sa mga member-consumer-owners sa gitna ng krisis na dala ng COVID 19.

 

1.) Sinu-sino ang suguradong magiging kabahagi sa Pantawid Liwanag Program ng NEECO 1?

 - Ang humigit kumulang na 13,000 lifeliners na may konsumong 30 kilowatt-hour pababa para sa buwan ng Abril.

- Ang 76,200 na residential consumers para sa kanilang konsumo ng kuryente sa buwan ng Mayo.

2.) Gaano ang halaga ng subsidiya o diskuwentong matatanggap?

- Libre na ang kuryente ng mga lifeliners na may konsumong 0 hanggang 30 kilowatt-hour para sa buwan ng Abril.

- Makakatanggap ng 50 sentimong diskuwento kada kilowatt-hour ang lahat ng residential consumers para sa konsumo ng kuryente sa buwan ng Mayo

 

3.) Paano po ang mga kumonsumo ng 30 kilowatt-hour pataas? Ibabawas po ba ang 30 kilowatt-hour sa aming bill?

- Hindi po kasama sa Pantawid Liwanag Program ang member-consumer-owners na lumagpas sa itinakdang lifeline limit.

 

4.) Bakit pili lamang ang magiging kabahagi ng Pangtawid Liwanag Program?

- Ang diskuwento o subsidiya po kasi ay tulong lamang ng NEECO 1 sa mga konsyumer sa kabila po ng ating mabigat na pinagdadaanan bunsod ng COVID 19. Sa kabila po ng mababang koleksiyon ng NEECO 1, itataguyod po ng programang ito ang pagparamdam sa mga member-consumer-owners ang serbisyong may malasakit.

 

5.) Paano po makukuha ang diskuwento? May kailangan po ba kaming gawin?

- Para sa mga lifeliners na may konsumong 0 hanggang 30 kilowatt-hour, magiging libre na ang kinonsumong kuryente para sa buwan ng Abril, mayroon kayong matatanggap na kupon mula sa NEECO 1 Member-Consumer-Owners Organization sa inyong barangay. Dito ay nakasaad ang inyong pangalan, tirahan, at account name. Hindi po maaaring ipasa sa iba ang kupon at isang beses lamang ito magagamit.

- Para sa lahat ng residential consumers na magkakaroon ng 50 sentimong diskuwento kada kilowatt-hour para sa konsumo ng kuryente sa buwan ng Mayo, awtomatiko ang diskuwento ay lilitaw na sa inyong mga bayarin para sa inyong konsumo sa ng Mayo. Matapos ang enhanced community quarantine sa April 30, 2020 at handa na kayo magbayad, pumunta lamang sa pinakamalapit na NEECO 1 District Office at magdala ng lumang bill o statement of account. Dito po ay bibgyan din kayo ng kupon na tanda ng inyong diskuwentong matatanggap.

Awtomatiko ding makakatanggap ng diskuwento o subsidiya ang mga kabahagi ng Pantawid Liwanag Program na magbabayad gamit ang TrueMoney, EC Pay, at Globe GCash.

 

6). Hindi po ba puwedeng ilibre nalang ang bayarin sa kuryente o bill dahil sa Enhanced Community Quarantine?

- Hindi po maaaring mailibre ang lahat ng electricity bills dahil ang ibinabayad po natin sa NEECO 1 ay siya ring ipinambabayad po natin sa ating mga power suppliers, transmission system, government charges, at iba pa. Ibig sabihin, kapag hindi po tayo nakapagbayad, maaari rin po tayong maputulan ng kuryente ng power suppliers. Makikita po ang breakdown o unbundled rates sa inyong statement of account o electric bill.

Upang mas maunawaan ang tungkol dito, narito po ang pahayag ng PHILRECA kaugnay sa pagpapatupad ng Pantawid Liwanag Program: https://www.facebook.com/notes/philippine-rural-electric-cooperatives-association/philreca-and-electric-coops-launch-pantawid-liwanag-program-to-provide-subsidy-t/806092613133621/

 

7.) Saan manggagaling ang pangtustos ng NEECO 1 para sa Pantawid Liwanag Program?

- Nagpatupad po ng budget realignment ang NEECO 1 para mapondohan ang Pantawid Liwanag. Inilipat po ang pondo ng mga aktibidad na magsasagawa ng pagsasama-sama ng mga empleyado at mga konsyumer na hindi na naaayon sa pangkasalukuyang katayuan ng kaligtasan publiko dahil laban sa banta ng COVID19. Ilan sa mga ito ay ang taunang pagpupulong ng mga miyembro ng NEECO 1, taunang pagbubuklod ng mga kawani, at iba pang programa na dadaluhan ng mga kawani.

 

8.) Bakit sa iba, life liners lamang ang makikinabang sa kanilang programa?

- Iba-iba po kasi ang life liners ng bawat electric cooperative. Sa pagtutuwid po ng Energy Regulatory Commission, para sa NEECO 1, ang lifeliners lamang ay iyong gumagamit ng kuryente nang 30 KWH pababa sa isang buwan at ito ay nasa 13,000 na bahayan lamang para sa konsumo ng kuryente ng buwan ng Abril.

Sa panahon po ng krisis, pinili po ng NEECO 1 na isama ang lahat ng residential consumers para sa konsumo ng kuryente sa buwan ng Mayo. Dito po ay garantisado ang diskuwento na 50 SENTIMO kada KWH ng kuryente sa 76,200 na bahayan.

 

9.) May opisyal na pahayag po ba ukol dito?

- Opo. Maaari po ninyong basahin ang opisyal na pahayag mula sa National Electrification Administration sa link na ito:

https://www.facebook.com/notes/national-electrification-administration/on-the-implementation-of-the-pantawid-liwanag-program/2252820718360231/

Para sa iba pang katanungan, maaari po ninyo itong isangguni sa sumusunod na link:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2251560128486290&id=1649000978742211

***Narito po ang halimbawa ng pagtutuwid ng epekto ng diskuwento ng pantawid liwanag program para sa isang konsyumer na ang kabuuang konsumo ng kuryente ay 100 kwh sa isang buwan:

100kWh (nagamit na kuryente) x 50 sentimo (Diskuwento) = Php 50.00

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs