News and Events

ππ€π‹πˆπ–π€ππ€π† πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ„π„π‚πŽ 𝟏: Hinggil Sa Pagtaas ng Halaga ng Kuryente

Batid po ng NEECO 1 at nauunawaan ang mga pagpapahayag ng saloobin ng mga netizens hinggil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng kuryente sa social media. Pinahahalagahan ng NEECO 1 ang kalayaan ng bawat isa sa pagpapahayag sa parehong paraan na pinahahalagahan natin ang pagbibigay ng tamang impormasyon upang hindi malito ang publiko sa mga maling balita at kuro-kuro.
Nais muling bigyang diin ng NEECO 1 na ang pagbabago sa halaga ng kuryente ay dulot ng pagtaas ng halaga ng coal na ginagamit sa paglikha ng kuryente mula sa ating power supplier na GN Power. Ito po ay lumilitaw sa ating electric bill bilang β€œgeneration charge” na kalimitan dito napupunta ang 60-70 % ng ating binabayaran. Ito ay isang uri ng pass-on charge o singilin na dumadaan lamang sa NEECO 1 upang ibayad sa GN Power kung saan natin binibili ang ating kuryente.

Ang mataas na halaga ng coal ay sanhi ng climate change at sa kakulangan ng supply dulot ng mabibigat na epekto sa pandaigdigang pamilihan dahil sa kasalukuyang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Para sa mas detalyadong paliwanag hinggil sa paksang ito, hinihikayat po namin ang mga netizens na mag-message sa NEECO 1 official Facebook page na @neeco1official na mayroong blue check at mayroong halos 91,300 na bilang ng followers.

Muli po ay hinihiling ng NEECO 1 sa aming mga minamahal na konsyumer ang karagdanag pag-unawa. Gayundin, ang NEECO 1 ay nagpapaalala tungkol sa responsableng pagpapahayag at pagbabahagi ng tamang impormasyon sa social media. Maraming salamat po.

Β 

Β 

Β 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs