📣𝗣𝗔𝗨𝗡𝗔𝗪𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗘𝗖𝗢 𝟭📣
Ipinapaalam sa lahat ng mga miyembro-konsyumer-kamay-ari ng NEECO 1 na magsisimula na ang panibagong meter reading para sa nakonsumong kuryente sa buwan ng Enero na sisingilin sa darating na buwan ng Pebrero.
𝗡𝗔𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚 :
>>> 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘉𝘢𝘵𝘤𝘩
Petsa: 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟓 - 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟐
Mga bayang sakop: 𝐆𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐀, 𝐂𝐚𝐛𝐢𝐚𝐨, 𝐚𝐭 𝐉𝐚𝐞𝐧
Itatagal: 𝐒𝐚𝐦𝐩𝐮𝐧𝐠 (𝟏𝟎) 𝐚𝐫𝐚𝐰
>>> 𝑆𝑒𝑐𝑜𝑛𝑑 𝐵𝑎𝑡𝑐ℎ
Petsa: 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟗- 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟐
Mga bayang sakop: 𝐆𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐁, 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨, 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨
Itatagal: 𝐒𝐢𝐲𝐚𝐦 (𝟗) 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰
Ito ay mahahati sa dalawang (2) batch kung saan ang unang batch ay may sampung (10) araw at ang pangalawa naman ay mayroon namang siyam (9) na araw.
>>>𝑴𝒂𝒉𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒂 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒏𝒅𝒂𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒏𝒔𝒖𝒎𝒐 𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒓𝒚𝒆𝒏𝒕𝒆. <<<
𝟏. 𝐌𝐀𝐘 𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 (𝟗) 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐄 𝐃𝐀𝐓𝐄:
Alinsunod sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers, may 9 na araw ang mga konsyumer bago sumapit ang due date sa pagbabayad ng electric bill.
𝟐. 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐄 𝐃𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐀𝐃𝐎, 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎, 𝐎 𝐇𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐘:
Sarado ang mga tanggapan ng NEECO 1 kaya maaari lamang magbayad sa mga EC Pay at TrueMoney accredited outlets, Gcash, Dragonpay, Paymaya, at Starpay.
𝟑. 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐄 𝐃𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐀 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐘:
Maaaring magbayad sa pinakamalapit na tanggapan ng NEECO 1 at sa mga EC Pay at TrueMoney accredited outlets, Gcash, Dragonpay, Paymaya, at Starpay.
𝟒. 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍:
Maaari lamang magbayad gamit sa mga EC Pay at TrueMoney accredited outlets, Gcash, Dragonpay, Paymaya, at Starpay kung isang (1) buwang konsumo lamang ang bayarin at hindi pa lumalampas sa due date. Gayunpaman, maaari pa ding magbayad sa pinakamalapit na tanggapan ng NEECO 1 mula Lunes hanggang Biyernes (8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon) maliban na lamang kung holiday.