News and Events

NEECO 1 KAALAMAN: TRANSFORMER

Ano nga ba ang transformer?

Ang transpormer o transformer na ating nababasa o naririnig ay madalas na naikokonekta sa power interruption o hindi inaasahang pagkaantala ng serbisyo ng kuryente kapag ito ay pumapalya o kinakailangang palitan.

Ang transformer mahalagang bahagi ng electric distribution system para sa "step-down mechanism." Dahil napakataas ng boltahe ng kuryente, mas madaling maipapadala ang mas maraming boltahe sa malayong distansiya kubg gagamitan ng transformer lalo na sa mga tahanan na mas madaling gamitin ang mas mababang boltahe.
ALAMIN ANG PAGKAKAIBA: POWER TRANSFORMER VS. DISTRIBUTION TRANSFORMER
Power transformer - ito ay ang mas malaking transformer na matatgpuan sa mga substation ng NEECO 1. Mahalaga ang gampanin nito para mapababa ang boltahe ng kuryente mula sa substation papunta sa mga distribution lines . Sa kasalikuyan ay may 4 na substations ang NEECO 1 sa iba't ibang bayan na pinaglilingkuran nito.
Distribution transformer - ito naman ang transformer na nasa distribution lines o nakikita sa mga poste/linya na nagpapababa ng boltahe ng kuryente para magamit sa mga tahanan. #neeco1kaalaman #sakalamangmayalam

 

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs