#NEECO1KAALAMAN
Ang white, yellow at red alert sa ating power system at ang posibilidad ng Manual Load Dropping (MLD?)
⚪️WHITE ALERT : Normal ang kondisyon ng supply ng kuryente at walang problema sa ating power system o grid sa Luzon. Nangangahulugan na walang tsansang magsagawa ng "manual load dropping."
🟡YELLOW ALERT : Ito ang alert kapag mababa na ang pinagsama-samang reserba ng kuryente sa grid at kung mauubos na tuluyan ang reserba, posibilidad nang mangyari ang "manual load dropping."
🔴RED ALERT : Ang pinakamataas na alert kung saan kinakailangan ng magsagawa ng "manual load dropping" dahil sa hindi na sapat o kulang na ang supply ng kuryente sa grid na madalas nangyayari tuwing tag-init.
Ano ang Manual Load Dropping o MLD?
>>> Ito ang matinding pangangailangan na magbawas ng power load sa grid dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente na nangyayari kapag may mga planta ng kuryente ang nasisira kasabay ang pagtaas ng demand sa paggamit ng kuryente lalo tuwing tag-init.
>>> Dahil sa kakulangan ng power supply, isinasagawa ang MLD sa pamamagitan ng "rotational brownout" kung saan may nakalaang oras ang itatagal ng pagkaantala ng daloy ng kuryente sa isang distribution utility gaya ng NEECO 1.
>>> Ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nangangasiwa kung aling mga distribution utilities ang makakaranas ng MLD at maaaring makasama dito ang NEECO 1 lalo na kung mapapadalas na naka- red alert ang buong Luzon.
----------------------------
Ang mga electric cooperatives (ECs), katulad ng NEECO 1 ay distributor lamang ng kuryente. May mga power plant na silang gumagawa ng kuryente gaya ng GN Power Dinginin Ltd. Co. upang maihatid sa mga ECs ang kuryente mula sa power plant, dumadaan ito sa high voltage transmission grid na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ang NGCP bilang system operator ang nagdedeklara ng MLD o Manual Load Dropping, kung anong probinsya at oras ang apektado ng rotational power interruption. Hinggil rito, ang Department of Energy Philippines ay nagbibigay ng update patungkol sa kalagayan sa supply ng kuryente sa Pilipinas.