Narito ang paraan ng pagbabayad ng electric bill gamit ang Globe GCash:
1. I-download ang Globe GCash App sa inyong mobile phone.
2. I-launch ang GCash app gamit ang inyong 4-digit MPIN.
3. Siguraduhing may laman o balance ang inyong GCash wallet.
4. Piliin ang Electric Utilities.
5. I-type ang "NEECO1" nang walang space.
6. I-enter ang inyong account number, account name, amount, at email address.
7. I-check muli bago i-confirm ang inyong payment.
8. Makakatanggap ng kumpirmasyon at reference number para sa pagkakabayad.
9. Makakatanggap din ng payment confirmation sa inyong email address.
10. Mapo-post ang inyong ibinayadsa NEECO 1 kinabukasan pero ang date of payment na lilitaw ay kung kailan aktwal na pagkakabayad.
Tandaan: Ang tatanggapin lamang ng system ng Globe Gcash ay ang electric bill na isang buwan lamang at hindi pa lumalampas sa due date.