Para sa mga nais mag-apply ng Change Name o ipalipat sa kanilang pangalan ang binabayarang electric bill, maaari nang magpunta sa NEECO1 Main Office, Malapit, San Isidro at i-submit ang mga sumusunod:
- 2x2 Picture
- Barangay Clearance
- Statement of Account (SOA)/Electric Bill
- Proof of Ownership:
--> Photocopy ng Deed of Sale ng lupa/bahay (Kung nabili ang metro o bahay na nais palitan ng pangalan)
--> Photocopy ng Death Certificate (Kung pumanaw na ang may-ari ng metro o bahay na nais palitan ng pangalan)
--> Barangay Certificate (Na ikaw na ang tagapagmana o kasalukuyang nakatira sa bahay na nais palitan ng pangalan)
Para sa mga bayarin naman nito, maghanda lamang ng halagang;
Change Name - PHP 1.00
Membership Fee - PHP 5.00
Membership ID (optional) - PHP 80.00
E-Vat - PHP 2.52